Fever.
12:02 AM
May sakit ako ngayon.
Ansama talaga ng pakiramdam ko ngayon.Yun tipong tinatamad akong gawin lahat ng bagay bukod sa pagnenet kahit na taken na tamad nga ako to the highest level. Wala talaga kong ganang kumilos. Kahit naman gustuhin ko eh ang sakit ng katawan ko.
As of today eto yung mga sakit ko sa katawan
- Namamaga ang tonsils ko, kaya nahihirapan ako lumunok.
- loss of appetite, wala talaga ko gana kumain siguro dahil na ren masakit lalamunan ko.
- on/off fever ( sa ngayon eh nilalagnat ako, ang ginaw...grrr) nakakaasar simula pa pagakabata eh lagnatin talaga ko. Vulnerable ata ako sa sakit na ito.
- masakit yung mga buto ko pag naiistretch
- ansakit den ng ulo ko lalo na kapag nakahiga tas biglang tatayo...parang ilang turnilyo yung kinakalas sa utak ko.
- may mga times na sumasakit ang tyan ko tas
- kani-kanina lang habang nagbabasa-basa ko ng mga blogs eh bigla ko na lang nafeel na parang susuka ko kaya kumaripas agad ako ng takbo sa banyo pero di naman ako sumuka ewan kung bakit.
- frequent thirst, nakaka 2 pitsel ata ako sa isang araw eh, siguro around 9-10 glasses a day or more pa nga.
- frequent urination, ewan ko kung sakit nga to oh epekto lang nung mga antibitotics na ininom ko at dahil sa frequent thirst na nararansan ko. Simula kaninang umaga hanggang ngayon sa palagay ko eh more than 12x na ko jumijingle. Buti na lang bakasyon or else...
- tas ambilis ko magutom, walanjo around 9 pm ata kami kumain ng dinner tas after an hour kumakalam na agad yung tiyan ko yung tipong kalam kapag nagugutom, considering na 1 cup of rice yung kinain ko, 1/2 pork chop 2 glasses of water tsaka 2 pieces choco crinkles for dessert (oha-oha plus na masakit pa lalamunan ko)
-----------
Di ko alam kung ba't ako nagkasakit pero madami akong hina-hinala kung bakit.
1. Sa tubig na iniinom - sa ref kase may iba't ibang containers/lalgyan ng tubig, may isang container dun na ang laman ay tubig sa gripo/nawasa tapos the rest eh purified. Eh di ko na alam dun kung alin yung purified at hinde, tsaka wala rin naman ako pakialam basta inom lang ako ng inom dahil madalas nga ako mauhaw.
2. Di kaya Dengue ito? - ang kinatatakutan ko, huwag naman sana pero nung isang gabi kase habang nanonood ako ng Isang Tanong eh may kumagat sa paa ko na lamok tas asar na asar pa ko kase di ko napatay, di ako nakaganti dun sa lamok. Tas nung nakalipad na yung lamok bigla ko naisep,
di kaya carrier ng dengue ito?kaya ko yun naisep dahil di nangati yung parte ng paa ko na kinagat ng lamok eh sabi sa kin nung klasmeyt ko dati nung highschool eh isa daw yun sa symptom ng mosquito na carrier na dengue. Creepy.
At dahil nga kabado ako na baka may dengue na ko eh syempre di na ko nagatubili pa na i-google ang symptoms ng dengue. At eto yung nakita ko:
What is dengue fever?
Dengue is a viral disease transmitted by Aedes mosquitoes mainly in tropical and subtropical areas of the world.
What are the symptoms of dengue fever?
Dengue fever may confused with other infectious diseases such as influenza or malaria. Symptoms may include:
* sudden onset, high fever
* severe headaches
* joint and muscle pain
* nausea
* vomiting
* rash that appears three to four days after the onset of fever
Lahat ng symptoms except lang dun sa rash eh sakit ko ngayon.
3. Because of nature/underworld - Last Sunday eh namyesta ko dun sa isa kong friend, bago mo marating yung bahay nila eh kelangan mo muna magnature tripping dahil bukod sa mataas yung lugar eh maraming puno. Masasabing underdeveloped pa yung lugar. Nung papauwi na kami ng mga kaibigan ko eh takot na takot kami dahil walang kailaw-ilaw sa daan, tipong Takot ka ba sa dilim part 100 ang setting. Ang masaklap dito eh tinakot yung isa kong kaibigan dahil ayaw nya tumingin sa likod nya, tinry ko tumingin sa likuran at huwaw nakakatakot nga kulang na lang eh lumabas si Freddy Krueger sa dilim. Tas tinuro ko pa yung mga puno kahit na lam kong masama yun pero kinagat ko naman yung dulo ng daliri ko pagkatapos nun. Syempre dahil laki ako sa superstitious na pamilya, iisipin ko na baka nagalit sa ken yung ibang forces of nature kaya ako may sakit ngayon. Kaya kapag ikkwento ko ngayon sa aking nanay eh siguradong bukas na bukas eh ipapaluop nya ko kay lola nyebes, kamaganak namin na certified na eksperto sa mga ganitong bagay.
Sabogaloids na ata ko. Epekto ng paglaklak ng 1000 mg of antibiotics sa isang araw.
Medications :
Dahil sa paniniwala ng pamilya ko ngayon ang tanging dahilan kung bata ako maya sakit ngayon ay dahil sa namamagang tonsils kaya ang ininom ko ay 500 mg of Amoxicillin at 500 mg ng erythromycin.
Syet. najijingle nanaman ako.
Labels: antibiotics, dengue, fever, forces of nature, horror, jingle bells, lagnat, nature, sakit
tin
We can work things out.
We can work things out.