Bagong tsinelas.
10:57 PM
Huwaw. Di katulad ng nakagawian, mejo naging produktibo ang araw ko ngayon.
Lumabas ako ng bahay para sana bumili ng installer ng adobe photoshop cs2 or cs3 sa mall, kase di ko alam kung anung pumasok sa isip ko at napasama yun sa mga idinelete kong programs para lumaki ang free diskspace nung hard drive ng pc namin.
Isinama ko yung 4 yrs. old ko na pamangkin, si Khyla. Ayoko sana kase alam ko na hassle yun kaso nagpumilit sya tsaka labs na labs ko yung batang yun kaya di na rin ako nakapalag. Tapos nung nasa mall na kami, napahuwaw ako sa presyo ng piniratang installer ng nasabi ngang produkto. My gulay tumataginting na 150 php pala yun. Tumawad ako dun sa tindera kung baka pedeng 120 na lang. Nagmakaawa na ko. Pero wa epek. 200 daw talaga kase yun ginawa nya na lang daw 150 para lang maubos na yung stock. Masyadong mahal. Di ko kaya. Isa pa 160 pesos lang ang laman ng wallet ko na may konting barya na di ko alam kung magkano. Ayoko ubusin last money ko na yun. Naisip ko na lumabas na lang ng mall at subukan na lang dun sa mga nagbebenta ng pirated DVD's dun sa may crossing. Parang nung isang beses kase na bumili ako dun ng dvd eh may nakita akong mga pc softwares. Ewan ko lang kung likha lang yun ng malawak kong imahinasyon o kung may tinda nga talaga sila.
Ayun nagpunta nga kami dun nung pamangkin ko. Ang galing ko talaga, sabi na nga ba eh, sabi na nga ba wala silang tindang ganun. Kaasar. Wala ko nakita dun sa mga nakadisplay pero di na rin ako nagtanong kase masyadong abala yung may-ari ng tindahan, madami din kasing tao na bumibili ng dvds. Ewan ko pero mukang peak season ata ngayon ng mga pirated dvds, dami kaseng lumabas na magagandang movies. Ang pinakamatunog dun sa tindahan eh, "300 at Wild Hogs". Tas nun eh naisip ko na lang na dumiretso sa Robinsons, para naman di masayang ang paglabas ko ng bahay dahil wala naman ako nakitang installer na tanging dahilan ng paglabas ko.
Habang nasa rob kami, biglang pumasok sa isip ko yung pudpud kong tsinelas. ---> eto yon oh..
Kaya yon...naisip kong bumili na lang ng bago, pumasok ako dun sa Bench, Bench din kase yung pudpud kong tsinelas. Isa pa, matibay yon dahil isang taon na ang nakalilipas magmula nung binili ko yon pero di pa rin nasisira, kaya ganun ulet bibilhin ko. Buti na lang meron pa rin silang ganon. Ganun pa den yung price. Ganun pa den yung presyo 119 php. Kung tutuusin mura na yun kumpara dun sa ganda ng quality nung tsinelas. Dark blue yung kulay na napili ko, para oks lang kahit madumihan. Yey may bago na kong tsinelas. Pero gagamitin ko pa rin yung pudpud kong tsinelas kase nakasanayan ko na yon. Hahanaphanapin yon ng paa ko. Paglalabas lang siguro ng bahay, tsaka ko na gagamitin yung bago.
Pagkatapos non gusto ko sanang dumaan sa supermarket kase naisip kong bumili ng matinong facial wash dahil masyadong ng nagiging oily ang mukha ko. Hindi ako maarte sa katawan, sadyang ayoko lang talaga ng malagkit at makintab na mukha. Pero napakadaming tao dun sa supermarket, napakahaba ng pila sa mga counter, eh isang pirasong facial wash lang naman yung bibilhin ko. Kaya dumaan na lang ako sa Mercury,at least don wala masyadong pila. Di ko na rin pinag-isipan kung aong klaseng facial wash yung bibilhin ko, kung ano na lang yung una kong nakita. Pond's facial foam. 12.75 php.
Tas non naisip ko den dumaan sa Panaderia Pantoja para bumili ng egg pie. Namimiss ko na kasi kumain non. Tas katakamtakam din yung carrot cake nila kaya bumili din ako. 13 php yung egg pie pati yung carrot cake. 26 pesos lahat.
Bale eto lahat yung mga pinamili ko. 157.75 php yung nagastos ko.
Zero balance. Wala na talaga ko pera. Said na. Pero okey lang. xD
Offtopic:
Nasermonan na naman si Khyla, yung pamangkin ko kanina dahil sa ken, inaasar ko kase. Ako na naman ang may gawa. Kawawa naman yung bata. Nakokonsyensya tuloy ako. Minsan kase masarap talagang mangasar at magpaiyak ng mga bata.
Labels: 300, Adobe Photoshop, Bench, carrot cake, cs2, dvd, egg pie, facial wash, Khyla, money, Panaderia Pantoja, Photoshop, Robinsons, softwares, tsinelas, Wild hogs
tin
We can work things out.
We can work things out.