Define 'Swerte'
6:53 PM
Bracelet to ni mommy. Di ko alam kung bakit di na nya sinusuot kaya sinuot ko na. Sabi nya pampaswerte daw yung bracelet na yun. Pero hindi ko sha sinuot dahil gusto ko swertihin sinuot ko sha dahil nakukyutan ako dun sa 'mala-Jade' na beads.
Kahapon ko unang sinuot yung 'lucky bracelet' ni mommy. Hindi ko alam pero dahil sa mga nangyari sa ken kahapon at ngayon...parang ayoko na ata hubarin ang 'lucky bracelet'.
Hindi ko alam kung may dala ngang swerte yung bracelet sa kin o sadyang ganon talaga yung mga mangyayari kahit di ko suot yung bracelet. Nung umaga, pagpasok ko sa school hindi ko pa suot yung bracelet... late ako nagising kaya late din ako sa first subject. Walang nangyari na ikinatuwa ko, kaya umuwi na agad ako sa bahay pagkatapos ng klase. 4:30 pm... pabalik na ulit ako ng school para makipagkita sa mga friends ko dahil may lakad kami ng 5. Dinala ko yung cam kahit na alam ko na may topak yun at hindi gagana pero nagbakasakali pa rin ako. Sasakay na sana ko ng tricycle pero naisip ko na magdelete muna ng files sa mem. card in case na gumana nga yung cam. Pagkatapos di ko alam kung ba't ako bumalik sa kwarto ko, hawak ko yung cam...dahil dun naisip ko na maghanap na lang ng lalagyan. Habang naghahanap ako ng lalagyan, bigla kong nakita yung bracelet. Tapos yun naisip ko suotin.
Pagkadating ko sa meeting place namin akala ko wala pa kong dadatnan dahil 4:30 pa lang at itinext ako ni quel na pinaka 'early bird' kong friend na nasa jeep pa daw sha. Pero swerte dahil may dinatnan na akon dun na friend ko, si jean. Ayun mejo may mangilan-ngilan din na batchmates ko kaya hindi ako maiinip sa pag-iintay dahil may mga kausap at kajoke time ako. Habang naghihintay dun sa iba wala akong ginawa kundi tumawa lang ng tumawa. Bihira lang yun mangyari dahil kadalasan eh tahimik yung mga yun. Pero iba talaga ang atmosphere nung mga oras na yun.
Kumpleto na kaming lahat. Mag-aalasais na. Madilim na. Minsan lang kami makaggala ng gabi. At swerte pa dahil mejo madami kami..bihira lang talaga kaming barkada makumpleto. Nagpunta kami ng walter. Tinary kong buksan yung camera kahit na ang nasaisip ko non eh hindi naman talaga sha gagana. Putek, nagulat ako, gumana ang ditaktak na cam. Hanggang pauwi ng bahay at hanggang ngayon gumagana pa din yung cam. Nakakagulat. Eh matagal ng walang gumgamit at nakatambak yung cam dahil nga sira pero walastik, hindi ko alam kung bakit ngayon eh gumagana na ulet. Ang swerte pero wierd dahil ngayon lang talaga naging ganito yung cam dahil simula nung ibinigay yun sa min iilang oras lang namin yun nagagamit tas kinabukasan sira na ulet. Pero ngayon kakaiba talaga.
proof na gumana nga yung camera kahapon
my friends... ochek, pau and pm
Ngayon di ko maipaliwanag pero ang saya ko. Suot ko ulit yung bracelet. Nakapunta ulit ako sa farm namin. Tas nagana yung camera kaya nakapagpiktyurpiktyur. Madaming nangyari na bihira lang talaga.
Kanina under maintenance ang Multiply. Naisip ko na itry kung talagang swerte nga yung bracelet... sabi ko sarili ko, itatry ko ulit iopen yung multiply account ko, kapag maayos na at di na under maintenance yung site...swerte nga talaga yung bracelet. Loading... ngek.. under maintenance pa den kaya kinlose ko na at nagbukas ng lang blog. Pero habang nagloload ang blogger naisip ko ulit itry buksan ang multiply... aba akalain mo, di na sha under maintenance.
Ngayon kapag iniisip ko pa rin yung mga nangyari, natatawa talaga ko, naeexcite tuloy ako kung anung mangyayari bukas. Nyahahahaha. Weird.
more pics here...tsokoleyts
Define by Hilera pala yung title nung narinig kong kanta na may nakakaaliw na lyrics na define...define...define. Cool.It reminds me of my exams next week.
tin
We can work things out.
We can work things out.