ang tungkol sa katangahan ko
4:18 PM

Ang tanga ko. Ang tanga tanga ko.

Simula ngayon tinatanggap ko na tanga nga ako.


Scenario:

(Room 101, Pisay Bldg.)
Subject: Infotech; laboratory class
Topic: Digital Logic and Boolean Algebra
Time: 1-4 pm

Enjoy na enjoy si sir magturo (lagi naman). Kaya naman ang lahat ay enjoy din makinig. Itinuturo nya sa min ang lahat ng theorems at laws. Ayos, tingin ko naman eh naiintindihan ko yung mga itinuturo nya. Walang umeepal magtanong kaya tingin ko din naiintindihan ng lahat ng kaklase ko. Pero tingin ni sir, mukang mga haggard at inaantok daw kami at dahil dun konting intermission muna. Pinagexercise nya kami. Idenemo nya muna yung exercise na natutunan pa daw nya sa China. Shempre sinunod namin. Nakakatuwa astig ang mga moves...mala-bruce lee and dating. Pagkatapos nun balik discussion na ulet.... at dahil tinatamad na ko magkwento, punta na tayo sa climax ng istorya.

Shempre katulad ng nakagawian pagkatapos ng discussion, may exercise. Exercise in the form of a quiz. Habang isinusulat nya yung mga tanong sa board eh nagcr muna ko.

Pagbalik ko ng room, abala na ang lahat sa pagsagot. Mga nakatungo na lahat at nagmamadali sa pagsagot. Agad ko namang kinopya yung mga tanong o yung mga isosolve. Kampante ako na kaya ko sha sagutan. Isa pa open notes naman tsaka ayos lang magtanong sa katabi (kung close kayo).

Simplify the ff:

1.) (A + B)' + A + B

Tumingin ako sa notes ko, tiningnan ko yung mga examples ni sir, tinitigan ang handout. Nagsimula ng kumunot ang aking noo... tila wala akong naabsorb from the discussion. Nagsimula ng lumabo ang paningin ko, at pinagpapawisan na ko ng malamig. *lingon sa katabi* abala sha sa pagsosolve. Nagsimula na ako mataranta. Binasa ko ulit ang notes ko, tumingin sa handout. Sinubukan ko sagutan. *Lingon ulet sa katabe* Nagtatanungan si katabi 1 at katabi 2. Nagtatanong si katabe 1 kay katabe 2 kung 1 daw ba ang nakuha nyang sagot. Ayos, nagkaron ako ng konting pag-asa, tiningnan ko yung papel ko, may sagot na pala ko... 1 din ang sagot ko. Haay.

Punta na agad ako sa number 2.

2.) ((ABC)B) + (A' + B')'

At dahil magkapareho kami ng sagot ni katabe 2 sa number 1, feeling ko ang galing ko na kaya nagassume na ako na masasagutan ko din ang number 2. Halimaw. Ang gulo ng number 2. Di ko masagutan. Dahil malapit na mag-time, tumalon muna ako papunta sa number 3.

3.) (A' + B' + C' + D')' + C

Mas lalo ako naguluhan. Parami na ng parami ang nagpapasa...parami na ng parami ang umuuwi. Putek number 3 pa lang ako may dalawang number pa na kelangan pa magdrawing ng logic gates. Unti-unti ng bumabagsak ang mundo ko. Napatungo na lang ako habang pinagmamasdan ang malinis kong papel.Napapansin ko na unti-unti ng nagttransform yung classroom. Dumidilim na at lumalakas din yung pagtiktak ng relo ko. Parang gusto ko ng umiyak nung mga oras na yon.

Tumayo ako para tingnan kung ilan pa kaming mga nagsasagot. Ayos na ayos. Ako na lang pala. Yung iba eh nagpeprendster at nagegames na lang. Lima na lang pala kami dun at ako na lang ang nagsasagot. Naisip ko na lang ibig sabihin gets gets ng lahat yung lesson, ako lang pala ang kaisa-isang talunan.

Pero hindi katulad ng number 2, hindi ko iniwang blangko ang number 3..sinagutan ko pa den kahit na alam kong imposibleng maging tama yung sagot ko. Sinagutan ko na rin yung iba pang mga natitirang numero. Hula-hoops. Bahala na si Batman.


Lumabas ako ng Room 101 na punong-puno ng pag-aatubili sa sarili. Paglabas ko ng silid na yon, saya at lungkot ang naramdaman ko. Masaya dahil tapos na ang kalbaryong dulot ng quiz na yon. Pero malungkot dahil, sa susunod na meeting eh makikita ko ang result ng quiz na yun. Sa subject ko na to, bawal ang magkamali. Talunan ang hindi makaperfect. Kapag hindi perfect score ang makukuha mo, kakailanganin mo ng matinding reasoning skills at abogado para maipaliwanag sa kanya kung bakit hindi ka nakaperfect. Kahit pa isa lang o dalawa ang mali mo. Wal kang ligtas. Siguradong pupunteryahin ka nya tuwing discussion. Ayaw niya ng may hindi nakakaintindi ng mga itinuturo nya.

Ako lang ata ang hindi marunong umintindi sa klase nya. Hindi ko alam kung bakit kahit anung gawin ko eh talunan pa rin ako pagdating sa mga quizzes at exams.

Tama. Siguro nga. Tanga lang talaga ko.

Tanong: Ano bang ibig sabihin ng tanga?

Sagot: Isang sakit ng lipunan.Isang salitang matagal ng naikahon sa mga taong ayaw magkaroon ng muwang sa mga bagay-bagay, mga taong hinahayaan ang sarili na paglipasan ng panahon, mga taong ayaw paunlarin ang sarili at mga taong naghahanap ng mozzarella cheese sa sari-sari store.

Hindi ako nahihiyang sabihin o aminin na tanga ako. Handa naman kase akong baguhin yun tungo sa ikauunlad ng aking pagkatao. Cliche, the truth will set you free.


sheeessshh. ang drama. leche. It's my subconscious mind that is working as of this moment, that's why.


tin
We can work things out.