Breakfast at 12:30 pm
12:30 PM
I'm in a breakfast mood today...
At dahil puyat ako at pagod ang mata ko dahil hanggang alas tres ng umaga ako nakababad sa computer... eh mga alas onse na ng tanghali ako nagising. Pinilit ko lang talaga bumangon dahil balik 'eskwela mode' ulit ako ngayon. May pasok nanaman.
Anyway, kahit tanghali na ko nagising eh wala sa mood ang panlasa ko para kumain ng kanin at ulam. TINAPAY! ang isinisigaw ng tyan ko. at dahil jan eh naisipan ko maghanap ng mga tira-tira sa ref. (Masarap magluto kapag kakatapos lang ng bagong taon dahil maraming tira-tirang pagkain sa ref na pwede mo irecycle.) Nakakita ko ng condensed milk, tasty bread, bacon tas nangupit na lang ako ng itlog sa tindahan namen...ayun french toast ang kinlabasan tas inilabas ko yung natirang sos ng carbonara ginawa kong sos ng french toast.Hmmm.. Saraap...tas samahan mo pa ng pear tsaka bacon. Saraaap talaga. Syempre di pedeng mawala ang super peyborit ko na soya milk. Note: (Di ko alam kung sino may-ari nung soya milk sa ref..tingin ko kay kuya...di pa ko nakakabili eh, la ko pera.)
wala lang, trip ko lang kumuha ng litrato ngayon..dahil malapit na malowbat yung cam.
at yan ang iba't-ibang angle ng french toast...
(pasensya na pangarap ko talaga maging litratista eh.)
tin
We can work things out.
We can work things out.