Konnichiwa 2007!
2:44 PM


We celebrated new year with a blast!

Blast talaga, dahil first time namin magcelebrate ng new year na walang kuryente. Ayos talaga. Ready na lahat. Katulad ng nakagawian, bukas ang gate namin, may mga monoblocs na sa labas at nasa labas na kaming lahat para magcountdown. Countdown na kami, 5....4..3..2... boom. Brownout. Ayos na ayos saktong alas dose nawalan ng kuryente. Siguro naisip ng meralco na mas maaapreciate namin yung mga fireworks display kapag walang ilaw na nakabukas. Wala kase kaming ginawa kundi laiten yung mga fireworks nung mga kapitbahay namin, eh kami nga hanggang loses lang (lilimam piraso pa), not to mention, nagtinda kami ng paputok ngayong taon. Si ate kase binenta lahat. Mas matinde daw kase ang pangangailangan ng ibang tao sa paputok kesa sa min dahil marami naman kaming kapitbahay na laging nandyan para papanoorin kami ng liveshow ng maraming paputok. Di ko alam kung dito lang sa min pero sa dito kase sa min status symbol ang fireworks. Kung kaninong bahay may nakitaang pinakamagandang fireworks display, sikat sila.

Dahil brownout, naging candlelight dinner tuloy ang aming medya noche. sosyal. Buti na lang at may night mode yung digicam kaya kahit papano nakuhanan ko pa ng picture yung mga pagkain. Sa tingin ko kung ikukumpara nung mga naklipas na taon, ngayong medyanoche2007 yung pinakamaraming handa pero kala ko talga wala kaming handa dahil hindi naman naging ganun kaganda ang taong 2006 namin eh..in other words, taghirap. Pero kahit naman walang-wala, wala pa yata akong kilalang pinoy na hindi nagcecelebrate ng magarbo at hindi naghahanda ng marami, at hindi nagpapaputok, at hindi naglalagay ng 12 fruits na bilog sa lamesa at hindi tumatalon para tumangkad tuwing bagong taon. Iba talaga tayong mga pilipino eh, yan ang mga nakagawian natin...gagawa at gagawa tayo ng paraan para makapagcelebrate ng new year.


tin
We can work things out.