"How IT has changed my Life"
1:53 PM
0 comments

note: this a required post for my IT class...I still kept my promise

The One Million Dollar question is How have computers, the internet and mobile phones changed my life?

CONFESSIONS OF A TEENAGE TECHIE FREAK

Translation: Anong naidulot sa akin ng makabagong teknolohiya... ^_^

Sa totoo lang... marami.

Sabi ng ilan pinapadali daw ng technology ang buhay nila. Pero sa ken, sa totoo lang ginawang mas kumplikado ng technology ang buhay ko.

Oo. Komplikado ngayon ang buhay ko dahil sa technology na yan. Kung dati ako lang yung simpleng bata na ang kasiyahan sa buhay ay magaral ng lessons sa school, gumawa ng assignment, makakain ng tatlong beses sa isang araw, at matulog. Simple.

Pero ngayon, simula nung magkaron kami ng internet sa bahay. Wala na. Nasira na ang aking daily routine. Ngayon, di na ko nagpopokus sa school. Pokus na ako sa monitor. Imbes na nagaaral ako ng lessons sa school, ang pinag-aaralan ko ngayon ay html, photoshop, at programming languages na sobrang napakalayo sa kurso ko ngayon. Clue: ang course ko ay environment related, pero nangangarap akong magshift next sem.)

Dahil sa technology, dumadami ang wants ng mga tao. Isa na ko dun. Kung dati simpleng mga bagong damit at puros pagkain lang ang gusto kong ipabili sa mga magulang ko, ngayon sobrang iba na. Ngayon gusto ko ng laptop, mp3 phone (ayoko ng iphone ng apple, okey na sa kin ang w800i ng se, Digital slr camera (pero okey na rin ang S3is ng Canon o simpleng point and shoot cam ng sony).

Dahil din sa technology naging tamad ako, halos araw-araw ata around 7-8 hours ang nailalaan ko sa harap ng monitor habang nagaaround the world sa world wide web, pero kung weekends, walng tulugan, bente kwatro oras, online ako...dahil jan...anim na libung piso ang electric bill namin pero ang sinisisi ko ay ang aming ref pero aminado ako sa sarili ko na yung pc namin ang tunay na dahilan dahil sa tuwing pinapatay ko yung pc,,,lumiliwanag yung bumbilya sa sala at lumalakas yung tunog nung tv namin. hehehe...


tin
We can work things out.