Hana Yori Dango
10:49 PM
Huwaw. Di ako makapaniwala. Naaadik na talaga ko sa manga serye/jdorama.
Nung una Gokusen, tas Gokusen 2, ngayon naman Hanayori Dango.
Isang buong araw akong nakaupo sa harapan ng tv di ko pa rin natapos medyo nakailang pause rin ako dahil kinelangan kong jumingle at kumuha ng pagkain. Medyo mahaba rin dahil 2 seasons yun. Bale natapos ko na yung season 1, at siguro 40 percent ng season 2. Sakit sa mata. Bukas ko na lang tatapusin dahil kinelangan ko maligo sa kadahilanang 9:30 na ng gabi.
Nung una wala talaga ko balak panoorin yun dahil di ko naman sha nasimulan dun sa ch.7 kaya di ko pinapanood kahit na alam kong kakasimula pa lang nun nung lunes kaya alam kong konti pa lang ang namiss ko. Once kase na di ko nasimulan nawawalan na ako ng interes panoorin mapa movie, anime series, o telenovela pa yan.
Pero nung Miyerkules nagulat na lang ako na wilingwili yung mommy ko habang pinapanood ang Hana Yori Dango. Nagulat ako dahil di naman yun mahilig manood ng mga tipong "pang teenagers" na mga palabas. Ang hilig lang nun eh yung mga tipong pangtahaling tapat hanggang alas tres ng hapon ipinapalabas katulad ng "Pinoy telenovelas, Irene at Yellow Handkerchief".Tas pagkagising ko nung umaga eh nalaman ko na pati yung mga pinsan at tiyahin ko ay aliw na aliw rin pala dun. Nalaman ko din na nakabili na rin agad sila ng kopya. Nakakagulat. Kaya naman di na ko nagatubili pa at hiniram ko na agad yung kopya. Kasama kong nanood si mommy at yung mga tita ko. Di ko akalain na makikipagsabayan din sila sa kin hanggang 9:00 ng gabi, pero mas matindi pa pala sila kesa sa kin dahil hanggang sa mga panahong ito (11:30 pm) eh pinapanood pa rin nila ang Hana Yori Dango, season 2. Patibayan.
Bale 10 episodes yung Season 1 ng Hana Yori. Yung Season 2 di ko pa nabilang dahil di ko pa nga tapos panoorin. Okey naman sha panoorin. Problema nga lang eh halos kapareho lang sya nung Meteor Garden dahil iisa ang pinagbatayan nila - yung comics na Hana Yori Dango mismo, kaya may mga instances na alam mo na kung anung susunod na mangyayari pero medyo iniba naman nila ng konti. Pero okey lang din naman yun dahil namiss ko din naman panoorin yung Meteor Garden.
METEOR GARDEN(taiwan) vs. HANA YORI DANGO(Japan)
well, before antyhing else, sariling opinyon ko lang naman to.
- una kong napansin eh mas gwapo ang F4
ng Meteor kumpara sa F4 ng Hana Yori.
-mas kilig to the bones ang tandem nina
Dao Ming Tse at Sanchai kesa kina Tsukasa
at Tsukushi.
- mas pinagkagastusan yata ang Hana Yori kumpara sa Meteor
Garden, based sa setting/location, props, atbp.
- wala pa ko nakita boring na episode sa Hana Yori Dango unlike sa
Meteor na may mangilan-ngilan.
- mas maganda yung gumanap dun sa character ni Shin (love interes ni
Hua ze lei) dun sa Meteor kesa dun sa Hana Yori.
- mas malupet yung nanay ni Tsukasa kesa sa nanay ni Dao Ming Tse.
- mas madalas magsalita si Hanazawa Rui kesa kay Hua ze lei
- dun sa Hana Yori Dango halos focus lang talaga yung story kina tsukasa
at tsukushi unlike sa Meteor Garden na may episode na inilaan para dun sa ibang member ng F4.
Hmmm...wala na ko maaalala. Tsaka ko na lang dadagdagan pag natapos ko na yung Season 2 ng Hana Yori Dango. Pero kung Season 1 lang ang pag-uusapan pantay lang para sa ken ang Meteor Garden at Han Yori Dango. Kung Season 2 naman, parang mas gusto ko yung sa Hana Yori Dango kahit di ko pa tapos panoorin. Yun lang, just my 2 cents.
Sya nga pala, ang kyut ng dalawang to oh.
Jun Matsumoto and Oguri Shun
Labels: F4, Hana Yori Dango, jdorama, Jun Matsumoto, manga serye, Meteor Garden, Oguri Shun
tin
We can work things out.
We can work things out.