busy-busyhan
1:40 PM

Photobucket - Video and Image Hosting

mejo magiging busy ako ngayong mga darating na araw.
kaya siguro di ko na muna mauupdate tong blog ko. isa pa, naaasar ako sa layout ko kaya nawawalan ako ng gana magupdate.

Naisip ko lang kase na andami-dami ko pala gustong gawin at kelangang gawin.
napag-isip isp ko lang mejo umuunti na yung oras para sa ken. siguro dapat gumalaw-galaw na ko. at kelangan ko na magsimula. kelangan ko rin ng oras para magisip ng magisip ng magisip.

eto yung listahan ng mga dapat at gusto ko gawin:

- asikasuhin yung transfer credentials ko.

- pag-isipan na kung ano ba talaga ang gusto kong kurso (kamusta naman Sophomore na ko..di ko pa ren alam kung anung gusto ko)

- pagisipan at pagplanuhan kung san ba ko lilipat ng iskewelahan

- matutunan ang html

- pag-aralan ang
SOAP
UML
PHP
C
C++
AJAX
XML
Java
mySQL
Ruby
Ruby on Rails

- magkaron ng konting kaalaman sa photoshop

- magaral ng origami

- magaral magdrawing

- gumawa ng maganda at maayos na layout para sa ko blog na to

- magaral ng english grammar (seryoso ko jan)

- pag-aralan ang sariling wika, makapagaral ng tagalog, ilonggo, cebuano, kapampangan lahat na ng lengwahe dito sa Pilipinas.

- mag-aral ng nihonggo.

andami... dahil jan pumasok tuloy sa isip ko si doraemon..ayan tuloy napahanap ako ng magandang animated gif... para sa post na to.

malapit ko na memorize lahat ng gadgets ni doraemon...
siguro kakailanganin ko ngayon yung memory bread nya (yung tinapay na naitatapal sa mga libro tas pagkinain mo mamememorize mo yung mga nasa libro)..tsaka kelangan ko din yung propeller nya na isinusukbit sa ulo para makalipad... para naman makatipid ako sa pamasahe.

pag memorize ko na lahat ng gadgets nya gagawan ko sha ng article dito sa blog.

basta kelangan ko magawa yan lahat ng yan araw-araw... simula ngayong buwan (january '07), ngayong araw (January 21), ngayong oras na to pakatapos ko maglogout (4:00 pm).

sa ngayon... babawas bawasan ko na ang pagbababad sa computer. or para mas maganda susubukan ko na rin siguro huwag munang gumamit para naman magawa ko yang mga yan.

Saksi ang monitor... pinapangako ko na magagawa ko yang mga yan ngayong buwan at sa mga susunod pa.


tin
We can work things out.