daily routine
10:07 PM
Nakakatamad talaga itong mga nakaraan na araw. kaasar.
Puro katamaran lang yung pinaggagawa ko eh. Tulog-gising-kain-net-kain-ligo-tulog.
Tapos bigla ko narealize "huwaw tin napakaproductive talaga ng buhay mo ah".
Hay, ganito na lang palagi eh. Bawat bakasyon ko lagi na lang ganito since grade school hanggang ngayon na college na ko ganun pa din wala ng nagbago. I'm such a bum.
Tapos bukod sa napakaproductive ko ngang daily routine eh madalas napapansin ko na lang yung sarili ko na nag-iisip ng malalim habang naglalaro ng snake sa aking 3310. Ang dami ko iniisip, katulad ng kung san ba talaga ko papasok ngayong sem, kung magshishift pa ba ko next sem, kung ipagpapalit ko ba ang UP versus feu east asia, kung anung magiging future ko, kung pano yayaman, kung pano ko ko mananalo sa lotto, kung pano ko matutulungan ang mga magulang ko sa problema nila, kung pano ko titino, kung pano lalabanan ang katamaran, at marami pang iba. Ansakit sa ulo. Puro problema. Sana naman kahit minsan dumating yung araw na ang poproblemahin ko na lang eh kung pano ko gagastusin yung limpak limpak kong pera. Huwaw nangangarap na naman ako ng gising. Masakit aminin pero gipit kami ngayon at ayoko lumabas ng bahay parang lang magliwaliw at gumasta ng pera, isa pa wala naman talaga kong pera para gastusin.
Kaya wala kong choice kundi ang magpakamonghe dito sa bahay.
Bukas nga pala ipapaayos na yung canon digicam ko. Yey. This time naman sana mapaayos na talaga. Aa, ilang attempts na ang nangyari para lang maipaayos yan lagi na lang di natutuloy. Kapag kase ipapagawa na yung camera, bigla na lang yun mawawala at kahit sang sulok namin hanapin eh hindi namin sya makikita, tapos kinabukasan makikita mo na ulit. Ewan ko kung bakit. Sinumpa ata yung camera na yon eh. Kaya, Wish me luck.
Sya nga pala nakain ako ngayon ng tsokoleyt, Ferrero, nakikikagat ako dun sa pamangkin ko, hmmm...sarap. Pero syempre walang kinalaman yan sa post ko. Kunyari na lang importanteng sabihin yon. Hehe.
Labels: bakasyon, bum, camera, daily routine, inip, tsokoleyts
tin
We can work things out.
We can work things out.