Hana Yori Dango (season 2)
2:46 PM

Natapos ko na panoorin yung season 2 ng Hana Yori Dango.

Ang masasabi ko lang eh napakaganda ng story. Kinilig ako pramis. Medyo naiyak din ako dun sa may bandang huling part kahit na di naman ako makarelate. Hehe, magagaling talaga umarte yung mga artistang gumanap.

Kumpara dun sa Meteor Garden ng Taiwan eh mas nagagandahan ako dito sa Hana Yori dango ng Japan starring Jun Matsumoto and Inoue Mao. Pati nga mommy at tita ko na bibihira lang manood ng mga ganitong klaseng palabas eh gandang ganda din dun sa story. Masyado ata kaming nadala dun sa kwento. Nakakatuwa pa dito eh parang we felt relieved after watching the ending kase nalaman namin kung sino ang nagkatuluyan at shempre yung gusto namin magkatuluyan ang nagkatuluyan in the end kahit na alam namin na expected na yun ang mangyari, hehe.
Coño mode: "I sooo love its ending talaga, grabe, as in, super."

May "importanteng" lakad ako ngayon na kelangan puntahan pero ipinagpaliban ko muna para lang tapusin yung season 2 ng Hana Yori Dango. Halimaw, adik na talaga ko.

Labels: , , ,



tin
We can work things out.