alpha_scan411
12:07 PM
Hanggang ngayon eh wala pa rin yung sinasabi kong layout. Hehe. Actually di ko pa sya nasisimulan, nakakaasar kase sobrang bagal ng pc lalo na kung madaming applications/programs ang nakabukas. Kaya ang bagal den ng Photoshop. Kaya ang mangyayari eh, maaasar lang ako tas nawawalan na ko ng gana gumawa.
Kaya nga gusto ko sanang magpabili ng bagong pc kay Papa. Gusto ko sana eh laptop para portable at pede kong dalhin sa school, lalo na ngayon na magshishift na ko sa computer -related course. Walanjo kase tong pc namin ngayon eh, naghihingalo na. Siguro nga kung makakapagsalita lang tong pc eh sasabihin nya
"please lang,maawa't mahabag, palitan nyo na ko!".
Pero ganunpaman eh bilib na bilib pa rin ako sa pc naming ito dahil sinong magaakalang still surviving pa rin sha since 1997. Ang alam ko lang na bumibigay pa lang dito eh yung videocard dahil na nga siguro sa kalumaan kaya pinapaltan namin.
-----------------------------
Walang Anti-virus program itong pc namin sa ngayon dahil out-of-date na yung AVG. Tas nung isang araw ichineck ko online kung may virus na tong pc. Nagulat ako sa result. 800+ threats at 200+ na virus. Walanjo kaya pala ganito kabagal yung pc masyado dahil masyado na syang infected feeling ko nga pati yung online virus scanner eh nagulat dun sa result. Kumbaga sa cancer eh stage 4 na yung computer namin. Ibig sabihin masyado ng malala, apektado na ng mga virus yung iba't-ibang programs at applications. Ibig sabihin yung mga flash disks na ipinapasok sa pc eh naapektuhan din. Kabilang sa mga virus na natagpuan eh Trojan, Worms, malwares, adwares at napakarami pa yung iba nga eh di ko kilala.
--------------------------
Balik sa laptop...
Sa totoo lang ang gusto ko talaga eh Mac kaya lang alam kong hanggang pangarap ko lang yun kaya di ko na inaasam na maibibili ako nun ng mga magulang ko. Kahit nga worth P20,000 na laptop di ko alam kung kaya nila ko maibili dahil tag-hirap, ni pang-enroll nga wala ako eh, tsaka di na rin kami kumakain ng tatlong beses sa isang araw. 4x.
Pero tutal naman malabit na ko magdebut, ayoko na sanang maghanda (kahit na nagfifeeling lang ako na ipaghahanda nila ko dahil wala naman talaga kaming pera panghanda) gusto ko sanang regalo eh laptop/notebook na lang.
Ito sana yung specs na gusto ko:
- core solo/core duo/core 2 duo
- 30 gb - 80 gb hard disk drive
- dual OS(pero ok lang kahit windows xp lang ako na bahalang gawing dual yung OS)
- CD-Writer + DVD-Rom Combo Drive (pede ding dvd-writer)
- syempre dapat wifi-ready
yan lang muna sa ngayon dahil wala pa ko masayadong idea sa mga specs ng laptop post na lang ako ng pics some other time.
alpha_scan 411 yung model nung antigong monitor namen, madalas kapag wala akong maisep na username sa mga forums yan yung ginagamit ko.
Labels: alpha scan 411, computer, laptop, notebook, pc, Photoshop, virus
tin
We can work things out.
We can work things out.