Hana Yori Dango (season 2)
2:46 PM
1 comments

Natapos ko na panoorin yung season 2 ng Hana Yori Dango.

Ang masasabi ko lang eh napakaganda ng story. Kinilig ako pramis. Medyo naiyak din ako dun sa may bandang huling part kahit na di naman ako makarelate. Hehe, magagaling talaga umarte yung mga artistang gumanap.

Kumpara dun sa Meteor Garden ng Taiwan eh mas nagagandahan ako dito sa Hana Yori dango ng Japan starring Jun Matsumoto and Inoue Mao. Pati nga mommy at tita ko na bibihira lang manood ng mga ganitong klaseng palabas eh gandang ganda din dun sa story. Masyado ata kaming nadala dun sa kwento. Nakakatuwa pa dito eh parang we felt relieved after watching the ending kase nalaman namin kung sino ang nagkatuluyan at shempre yung gusto namin magkatuluyan ang nagkatuluyan in the end kahit na alam namin na expected na yun ang mangyari, hehe.
Coño mode: "I sooo love its ending talaga, grabe, as in, super."

May "importanteng" lakad ako ngayon na kelangan puntahan pero ipinagpaliban ko muna para lang tapusin yung season 2 ng Hana Yori Dango. Halimaw, adik na talaga ko.

Labels: , , ,



tin
We can work things out.


Hana Yori Dango
10:49 PM
2 comments


Huwaw. Di ako makapaniwala. Naaadik na talaga ko sa manga serye/jdorama.

Nung una Gokusen, tas Gokusen 2, ngayon naman Hanayori Dango.
Isang buong araw akong nakaupo sa harapan ng tv di ko pa rin natapos medyo nakailang pause rin ako dahil kinelangan kong jumingle at kumuha ng pagkain. Medyo mahaba rin dahil 2 seasons yun. Bale natapos ko na yung season 1, at siguro 40 percent ng season 2. Sakit sa mata. Bukas ko na lang tatapusin dahil kinelangan ko maligo sa kadahilanang 9:30 na ng gabi.

Nung una wala talaga ko balak panoorin yun dahil di ko naman sha nasimulan dun sa ch.7 kaya di ko pinapanood kahit na alam kong kakasimula pa lang nun nung lunes kaya alam kong konti pa lang ang namiss ko. Once kase na di ko nasimulan nawawalan na ako ng interes panoorin mapa movie, anime series, o telenovela pa yan.

Pero nung Miyerkules nagulat na lang ako na wilingwili yung mommy ko habang pinapanood ang Hana Yori Dango. Nagulat ako dahil di naman yun mahilig manood ng mga tipong "pang teenagers" na mga palabas. Ang hilig lang nun eh yung mga tipong pangtahaling tapat hanggang alas tres ng hapon ipinapalabas katulad ng "Pinoy telenovelas, Irene at Yellow Handkerchief".Tas pagkagising ko nung umaga eh nalaman ko na pati yung mga pinsan at tiyahin ko ay aliw na aliw rin pala dun. Nalaman ko din na nakabili na rin agad sila ng kopya. Nakakagulat. Kaya naman di na ko nagatubili pa at hiniram ko na agad yung kopya. Kasama kong nanood si mommy at yung mga tita ko. Di ko akalain na makikipagsabayan din sila sa kin hanggang 9:00 ng gabi, pero mas matindi pa pala sila kesa sa kin dahil hanggang sa mga panahong ito (11:30 pm) eh pinapanood pa rin nila ang Hana Yori Dango, season 2. Patibayan.

Bale 10 episodes yung Season 1 ng Hana Yori. Yung Season 2 di ko pa nabilang dahil di ko pa nga tapos panoorin. Okey naman sha panoorin. Problema nga lang eh halos kapareho lang sya nung Meteor Garden dahil iisa ang pinagbatayan nila - yung comics na Hana Yori Dango mismo, kaya may mga instances na alam mo na kung anung susunod na mangyayari pero medyo iniba naman nila ng konti. Pero okey lang din naman yun dahil namiss ko din naman panoorin yung Meteor Garden.

METEOR GARDEN(taiwan) vs. HANA YORI DANGO(Japan)

well, before antyhing else, sariling opinyon ko lang naman to.

- una kong napansin eh mas gwapo ang F4
ng Meteor kumpara sa F4 ng Hana Yori.

-mas kilig to the bones ang tandem nina
Dao Ming Tse at Sanchai kesa kina Tsukasa
at Tsukushi.

- mas pinagkagastusan yata ang Hana Yori kumpara sa Meteor
Garden, based sa setting/location, props, atbp.

- wala pa ko nakita boring na episode sa Hana Yori Dango unlike sa
Meteor na may mangilan-ngilan.

- mas maganda yung gumanap dun sa character ni Shin (love interes ni
Hua ze lei) dun sa Meteor kesa dun sa Hana Yori.

- mas malupet yung nanay ni Tsukasa kesa sa nanay ni Dao Ming Tse.

- mas madalas magsalita si Hanazawa Rui kesa kay Hua ze lei

- dun sa Hana Yori Dango halos focus lang talaga yung story kina tsukasa
at tsukushi unlike sa Meteor Garden na may episode na inilaan para dun sa ibang member ng F4.

Hmmm...wala na ko maaalala. Tsaka ko na lang dadagdagan pag natapos ko na yung Season 2 ng Hana Yori Dango. Pero kung Season 1 lang ang pag-uusapan pantay lang para sa ken ang Meteor Garden at Han Yori Dango. Kung Season 2 naman, parang mas gusto ko yung sa Hana Yori Dango kahit di ko pa tapos panoorin. Yun lang, just my 2 cents.

Sya nga pala, ang kyut ng dalawang to oh.





Jun Matsumoto and Oguri Shun

Labels: , , , , , ,



tin
We can work things out.


Pulis Pangkalawakan.
6:12 PM
2 comments

time space warp.

time space warp, ngayon din.

Fushigi shigi Makafushigi Ru wa....


bwehehehe.


tin
We can work things out.


Bagong tsinelas.
10:57 PM
0 comments

Huwaw. Di katulad ng nakagawian, mejo naging produktibo ang araw ko ngayon.

Lumabas ako ng bahay para sana bumili ng installer ng adobe photoshop cs2 or cs3 sa mall, kase di ko alam kung anung pumasok sa isip ko at napasama yun sa mga idinelete kong programs para lumaki ang free diskspace nung hard drive ng pc namin.

Isinama ko yung 4 yrs. old ko na pamangkin, si Khyla. Ayoko sana kase alam ko na hassle yun kaso nagpumilit sya tsaka labs na labs ko yung batang yun kaya di na rin ako nakapalag. Tapos nung nasa mall na kami, napahuwaw ako sa presyo ng piniratang installer ng nasabi ngang produkto. My gulay tumataginting na 150 php pala yun. Tumawad ako dun sa tindera kung baka pedeng 120 na lang. Nagmakaawa na ko. Pero wa epek. 200 daw talaga kase yun ginawa nya na lang daw 150 para lang maubos na yung stock. Masyadong mahal. Di ko kaya. Isa pa 160 pesos lang ang laman ng wallet ko na may konting barya na di ko alam kung magkano. Ayoko ubusin last money ko na yun. Naisip ko na lumabas na lang ng mall at subukan na lang dun sa mga nagbebenta ng pirated DVD's dun sa may crossing. Parang nung isang beses kase na bumili ako dun ng dvd eh may nakita akong mga pc softwares. Ewan ko lang kung likha lang yun ng malawak kong imahinasyon o kung may tinda nga talaga sila.

Ayun nagpunta nga kami dun nung pamangkin ko. Ang galing ko talaga, sabi na nga ba eh, sabi na nga ba wala silang tindang ganun. Kaasar. Wala ko nakita dun sa mga nakadisplay pero di na rin ako nagtanong kase masyadong abala yung may-ari ng tindahan, madami din kasing tao na bumibili ng dvds. Ewan ko pero mukang peak season ata ngayon ng mga pirated dvds, dami kaseng lumabas na magagandang movies. Ang pinakamatunog dun sa tindahan eh, "300 at Wild Hogs". Tas nun eh naisip ko na lang na dumiretso sa Robinsons, para naman di masayang ang paglabas ko ng bahay dahil wala naman ako nakitang installer na tanging dahilan ng paglabas ko.
Habang nasa rob kami, biglang pumasok sa isip ko yung pudpud kong tsinelas. ---> eto yon oh..

Kaya yon...naisip kong bumili na lang ng bago, pumasok ako dun sa Bench, Bench din kase yung pudpud kong tsinelas. Isa pa, matibay yon dahil isang taon na ang nakalilipas magmula nung binili ko yon pero di pa rin nasisira, kaya ganun ulet bibilhin ko. Buti na lang meron pa rin silang ganon. Ganun pa den yung price. Ganun pa den yung presyo 119 php. Kung tutuusin mura na yun kumpara dun sa ganda ng quality nung tsinelas. Dark blue yung kulay na napili ko, para oks lang kahit madumihan. Yey may bago na kong tsinelas. Pero gagamitin ko pa rin yung pudpud kong tsinelas kase nakasanayan ko na yon. Hahanaphanapin yon ng paa ko. Paglalabas lang siguro ng bahay, tsaka ko na gagamitin yung bago.

Pagkatapos non gusto ko sanang dumaan sa supermarket kase naisip kong bumili ng matinong facial wash dahil masyadong ng nagiging oily ang mukha ko. Hindi ako maarte sa katawan, sadyang ayoko lang talaga ng malagkit at makintab na mukha. Pero napakadaming tao dun sa supermarket, napakahaba ng pila sa mga counter, eh isang pirasong facial wash lang naman yung bibilhin ko. Kaya dumaan na lang ako sa Mercury,at least don wala masyadong pila. Di ko na rin pinag-isipan kung aong klaseng facial wash yung bibilhin ko, kung ano na lang yung una kong nakita. Pond's facial foam. 12.75 php.

Tas non naisip ko den dumaan sa Panaderia Pantoja para bumili ng egg pie. Namimiss ko na kasi kumain non. Tas katakamtakam din yung carrot cake nila kaya bumili din ako. 13 php yung egg pie pati yung carrot cake. 26 pesos lahat.



Bale eto lahat yung mga pinamili ko. 157.75 php yung nagastos ko.


Zero balance. Wala na talaga ko pera. Said na. Pero okey lang. xD

Offtopic:

Nasermonan na naman si Khyla, yung pamangkin ko kanina dahil sa ken, inaasar ko kase. Ako na naman ang may gawa. Kawawa naman yung bata. Nakokonsyensya tuloy ako. Minsan kase masarap talagang mangasar at magpaiyak ng mga bata.

Labels: , , , , , , , , , , , , , , ,



tin
We can work things out.


daily routine
10:07 PM
0 comments

Nakakatamad talaga itong mga nakaraan na araw. kaasar.

Puro katamaran lang yung pinaggagawa ko eh. Tulog-gising-kain-net-kain-ligo-tulog.
Tapos bigla ko narealize "huwaw tin napakaproductive talaga ng buhay mo ah".
Hay, ganito na lang palagi eh. Bawat bakasyon ko lagi na lang ganito since grade school hanggang ngayon na college na ko ganun pa din wala ng nagbago. I'm such a bum.

Tapos bukod sa napakaproductive ko ngang daily routine eh madalas napapansin ko na lang yung sarili ko na nag-iisip ng malalim habang naglalaro ng snake sa aking 3310. Ang dami ko iniisip, katulad ng kung san ba talaga ko papasok ngayong sem, kung magshishift pa ba ko next sem, kung ipagpapalit ko ba ang UP versus feu east asia, kung anung magiging future ko, kung pano yayaman, kung pano ko ko mananalo sa lotto, kung pano ko matutulungan ang mga magulang ko sa problema nila, kung pano ko titino, kung pano lalabanan ang katamaran, at marami pang iba. Ansakit sa ulo. Puro problema. Sana naman kahit minsan dumating yung araw na ang poproblemahin ko na lang eh kung pano ko gagastusin yung limpak limpak kong pera. Huwaw nangangarap na naman ako ng gising. Masakit aminin pero gipit kami ngayon at ayoko lumabas ng bahay parang lang magliwaliw at gumasta ng pera, isa pa wala naman talaga kong pera para gastusin.

Kaya wala kong choice kundi ang magpakamonghe dito sa bahay.

Bukas nga pala ipapaayos na yung canon digicam ko. Yey. This time naman sana mapaayos na talaga. Aa, ilang attempts na ang nangyari para lang maipaayos yan lagi na lang di natutuloy. Kapag kase ipapagawa na yung camera, bigla na lang yun mawawala at kahit sang sulok namin hanapin eh hindi namin sya makikita, tapos kinabukasan makikita mo na ulit. Ewan ko kung bakit. Sinumpa ata yung camera na yon eh. Kaya, Wish me luck.

Sya nga pala nakain ako ngayon ng tsokoleyt, Ferrero, nakikikagat ako dun sa pamangkin ko, hmmm...sarap. Pero syempre walang kinalaman yan sa post ko. Kunyari na lang importanteng sabihin yon. Hehe.

Labels: , , , , ,



tin
We can work things out.


World's Greatest Dad
11:08 AM
0 comments


Yahoo. It's my Dad's Birthday today and suddenly I felt like I have to blog about this very important occasion in my life. Why important? simply because he's my dad, my dear Papa or whatever you want to call it, thing is he's my Father.

So let's start (well I believe from this moment you've guessed already what this post would be about right? Well if you don't, damn. read the title.)

Well first we call him Papa, Papa as in Papa ketchup - Yeah not the Papa as in Pa/pa. Those were only for elitistas/hacienderos/whatever and we're not like that but in the near future maybe (haha, taas ng pangarap Ü). Until now I'm still confused why we call him that because we call our mom, Mommy Ü. What a combination. Weird. (ewan ko pauso ata nila yan eh.)

My Dad is an engineer. The one who designs and constructs houses, buildings, infrastructures etc. I can say my Dad is really good on his field of work. He was a consistent honor student since nursery until college, beat that. And even on his job he received some plaques and special mentions for his honorable works. If I'm not mistaken I think he was even featured in our provincial newspaper. I idolize my Dad for being so good in Math. Yes he's really good in Math that I wonder why I didn't inherit even 5 percent of his intelligence in Math (Darn it. naubos na ata ng ate't kuya ko, wala ng natira pagdating sa kin, my brother is also good in Math btw). Despite the fact that he graduated in college with so many UNOs in his transcript of records he told us that he didn't want to be an engineer because he really wanted to be a doctor but because his parents couldn't afford it he was forced to take an engineering course. I still remember the way he used to tell his stories on us. His college adventures most especially. Cue: author must speak in tagalog for her to tell the wansapanataym in da pilipins story Ü

Tuwing napupunta sa pag-aaral ang usapan, shempre di pedeng di isisingit ni Papa yung mga adventures slash misadventures nya. Madalas nya ikwento sa min kung gaano kahirap daw daw ang buhay nila noon. Maswerte na daw kung makapagulam sila ng isda isang beses sa isang linggo. Noon daw nasa kolehiyo sya 25 pesos lang daw ang ibinibigay sa kanyang pera ng kanyang nanay. Ang masakit dito eh sa Maynila pa sya nag-aaral kaya dun sa 25 pesos nyang baon kasama na doon ang pamasahe nya at pambili ng pagkain minsan pa nga daw nawawalan sya pambili ng pagkain dahil sa gastusin sa eskwela kaya ang nangyayari daw eh nagbabaon sya ng bigas sa kanyang boarding house. Naaalala nya pa daw noon kung gaano kahirap magdala ng ilang kilo bigas simula Laguna hanggang Maynila. Madalas yun lang daw laman ng bag nya - bigas. Teka siguro nagtataka kayo kung pano naman ang ulam dahil puro bigas yung kinuwento ko. Pagdating daw sa ulam eh wala syang problema dyan, nanjan ang toyo, kalamansi, asukal, kape, asin at ang pinakamalupit sa lahat - kendi. Oo kendi as in candy, imadyinin mo na lang yung Viva candy, yung caramel candy ata yon na kulay dilaw ang pabalat, tapos dudurugin sa kanin...hmmm sarap?. Wala daw syang pasttime noon dahil hectic ang sched nya. Kelangan nya maglaba,mamamlantsa etc. Tuwing sabado't linggo daw ay umuuwi sya ng Laguna para makatulong sa kanilang family business. Pagtatanim at pagbebenta ng bulaklak kasi ang ikinabubuhay nila noon(up to present). Madalas daw habang nag-aaral ay nagtatanim sya, nagagamas, sa pilapil - multitasking, ganun palagi at hindi ko alam kung pano nya pa nagagawang mangUno ng subjects sa ganung kalagayan. Usapang pagsisikap at dedikasyon. Ganun daw talaga kahirap ang buhay nila noon kaya kahit daw di naman gaano kasigla ang bulsa namin ngayon eh isipin daw namin na maswerte na daw kami ngayon dahil kahit papaano naman eh nakakapagliwaliw pa rin kami at nakakain pa rin daw kami 3x a day minsan sobra pa nga. End-of-story. Moral lesson: Wag magkwento ng mahaba dahil tutulugan ka ng awdyens mo.

But He was telling it like he was just telling some jokes, with a big smile on his face (labas pa ngipin)- but we knew how he really feels that time.

I wonder what would our lives be if my father really became a doctor. Would we became rich? And if we became rich? Would we ran out of problems? Would our lives be easier? I guess not.

Going back to business, My father was married to my mother of course (I don't wanna give in their names for confidentiality purposes). They first met in Manila while my dad was studying in FEU. Then they were married on the 1st of December year 1982. Then my sister Charisse was born, next was my brother Christopher and the youngest was me Tin Ü. I can proudly say that we're a happy family despite the financial hardships that we are facing right now. We have a strong relationship with God so I know we can do it...just give us time.

Anyhoo, For me he's such a hero for doing all those hard works for us - his family and for helping other people - He's the greatest Dad in the World. And I salute him for that... Happy Birthday Father Dear! We wish you to be happy and contented in life. May you attain all your goals. We wish you good health. P.S. Please take good care of your health and try to relax sometimes ok. Everything will be just fine - thanks to you. Thanks to God. God bless us. We love yah Papa. You're the best Dad ever Ü .

Labels:



tin
We can work things out.