After 10 Years of Blog Leave
I guess I exagerrated it a bit.
I"m such a lame for not doing things that are supposed to be done. It's been a month since I took a rest from blogging and now finally I'm back! and guess what I haven't got a new layout yet. Too bad I didn't even try to make one.
Ewan ko ba kase di ko talaga feel mag-aral ng html nung mga nakalipas na panahon although I know myself that I really wanted to learn that stuff. Hay... bare with me for the language inconsistency dahil wala talaga kong gana magisip ngayon pinipilit ko lang. Feeling ko ngayon parang ilang taon akong hindi nakapagblog dahil nung makita ko ulet tong blogsite ko na to unang pumasok sa isip ko ay ba-su-ra. Mukang basurahan na tong site na to eh. Walang kalaman-laman. *Edit-edit...may laman pala pero halos basura lang...alang kwenta. Nakakadismaya. Kung bakit kase di kami naturuan nung highschool ng html eh kahit basics lang. Teka may computer nga ba kaming subject nung highschool? hmm..ala yata ko matandaan hirap talaga pag galing public. Katamad kase mag-aral mag-isa nanlalabo lang yung mga mata ko kakabasa ng mga tutorials sa net. Gusto ko nga sana mag-enroll sa Informatics ngayong summer eh muka kase maganda yung mgaweb studio programs nila kaso lang wala ako pambayad. Kaya wala akong choice kundi magtyaga sa libreng tutorials sa net. At dahil hindi naman ako matyaga eh wala na kong gana mag-aral. Pero ok lang kahit maging walang kwenta ang bakasyon days ko ngayon basta tanging hiling ko lang(huwaw senti mode, naks) makapagshift and transfer na ko next sem sa kursong gusto ko.
Niready ko na lahat ng kakailanganin ko para sa shift at transfer...
ang tanging hinihintay ko na lang ngayon eh isang matamis na OO mula sa aking mahal na ama at pera pangenroll. *Sabay luhod at dasal.
tin
We can work things out.
We can work things out.
0 comments