Thank you po.
note: read previous entry first. ^__^
First of all I would like to say that this entry would be my LAST entry for this month and for the month of February... but this is not a farewell post, I'd be back...soon.
Di muna ko makakapagblog dahil andami ko kelangan asikasuhin.
Pero hopefully makabalik ako first week ng March na bago na ang layout at maayos na ang buhay ko. Hehe.
Pero shempre bago ko magLOA sa pagbblog gusto ko munang magpasalamat sa mga taong sumuporta (Naks!) dito sa blog ko kahit na isang hamak na baguhan pa lang ako pagdating sa blogging, kahit na nagsisimula pa lang ako sa pagbblog at kahit na mejo corny at mabababaw yung mga posts ko dito.
Salamat sa mga naglink sa blog ko na to, ganun din sa mga pumayag na ilink ko sila.
at higit sa lahat shempre gusto kong pasalamatan yung mga nagtiyagang magbigay ng comments nila sa mga posts ko. Salamat talaga.
special mention kina:
Irish - chuckles..chuckles... ang ganda talaga ng final fantasy inspired layout mo. trip na trip ko talaga yung *Currently* category dun sa sidebar mo... hehe parang gusto ko tuloy gayahin pero shempre iba pa rin ang nauna. Salamat sa pagdaan sa blog ko ha.
eja - lilipat ka na ng bagong tirahan... try ko pa rin yan bisitahin pagbalik ko. Keep on dreamin and don't forget to make it happen. Salamat din po sa pagdaan sa blog ko.
yvette - goodluck po sa iyong nursing life...God Bless. I also enjoy reading your posts. Thank you den kase pinaalam mo sa ken na di pala ie compatible yung layout ko. Thanks a lot.
tsina - salamat po sa pagdaan sa blog ko. Endurance, Risk, Love. Good Luck sa yo.
jochie - stay adeek. hehe. enjoy life..good luck. Salamat sa pagbisita mo dito sa blog ko.
henzel - naappreciate ko po yung mga comments nyo and sa pagbisita sa blog ko. Thanks a lot. Now you're not unappreciated.. hehe. Laugh your heart out, dance in the rain,cherish the memories, ignore the pain, love and learn, forget and forgive.. because remember you only have one life to live -quoted from your blog...stay happy and keep on rockin the runway.
tintin - thanks po sa pagdaan at pagbisita sa blog ko. Enjoy life. Stay Happy.
ikay - pinakabago sa aking links list.. thanks po sa pagdaan. ganda ng layout mo. iba na ang comeng... gusto ko yang course na yan, pinagiisipan kong kuhanin balang araw.. mahirap ba? Anyways, enjoy life and good luck.
salamat. salamat. salamat. Domo Arigatou.
----------- tsokoleyts loggin out...------
logged out @ 5:05 pm ^__^
tin
We can work things out.
We can work things out.
busy-busyhan
1:40 PM
0 comments
0 comments
mejo magiging busy ako ngayong mga darating na araw.
kaya siguro di ko na muna mauupdate tong blog ko. isa pa, naaasar ako sa layout ko kaya nawawalan ako ng gana magupdate.
Naisip ko lang kase na andami-dami ko pala gustong gawin at kelangang gawin.
napag-isip isp ko lang mejo umuunti na yung oras para sa ken. siguro dapat gumalaw-galaw na ko. at kelangan ko na magsimula. kelangan ko rin ng oras para magisip ng magisip ng magisip.
eto yung listahan ng mga dapat at gusto ko gawin:
- asikasuhin yung transfer credentials ko.
- pag-isipan na kung ano ba talaga ang gusto kong kurso (kamusta naman Sophomore na ko..di ko pa ren alam kung anung gusto ko)
- pagisipan at pagplanuhan kung san ba ko lilipat ng iskewelahan
- matutunan ang html
- pag-aralan ang
SOAP
UML
PHP
C
C++
AJAX
XML
Java
mySQL
Ruby
Ruby on Rails
- magkaron ng konting kaalaman sa photoshop
- magaral ng origami
- magaral magdrawing
- gumawa ng maganda at maayos na layout para sa ko blog na to
- magaral ng english grammar (seryoso ko jan)
- pag-aralan ang sariling wika, makapagaral ng tagalog, ilonggo, cebuano, kapampangan lahat na ng lengwahe dito sa Pilipinas.
- mag-aral ng nihonggo.
andami... dahil jan pumasok tuloy sa isip ko si doraemon..ayan tuloy napahanap ako ng magandang animated gif... para sa post na to.
malapit ko na memorize lahat ng gadgets ni doraemon...
siguro kakailanganin ko ngayon yung memory bread nya (yung tinapay na naitatapal sa mga libro tas pagkinain mo mamememorize mo yung mga nasa libro)..tsaka kelangan ko din yung propeller nya na isinusukbit sa ulo para makalipad... para naman makatipid ako sa pamasahe.
pag memorize ko na lahat ng gadgets nya gagawan ko sha ng article dito sa blog.
basta kelangan ko magawa yan lahat ng yan araw-araw... simula ngayong buwan (january '07), ngayong araw (January 21), ngayong oras na to pakatapos ko maglogout (4:00 pm).
sa ngayon... babawas bawasan ko na ang pagbababad sa computer. or para mas maganda susubukan ko na rin siguro huwag munang gumamit para naman magawa ko yang mga yan.
Saksi ang monitor... pinapangako ko na magagawa ko yang mga yan ngayong buwan at sa mga susunod pa.
tin
We can work things out.
We can work things out.
layout..layout.grr.
9:19 AM
0 comments
0 comments
papalitan na talaga kita!
papalitan ko na tong layout na to. naiirita na talaga ko sa layout na to.
tin
We can work things out.
We can work things out.
Camera Obscura
4:10 PM
0 comments
0 comments
Presenting...
the Nikon D80
*punas laway* ...Halimaw.
features? dito oh pangarap kong camera
Oo Gusto ko talaga maging Photographer. Anak ng [insert animal here]. Natuluyan na yung pinagtyatyagaan kong digital camera. Tuluyan ng nasira yung Canon Powershot A70. Wala na tuloy ako magamit na camera. Putek kung alam ko lang na tuluyan na shang di gagana edi sana sinagad ko na ang pagkuha ng litrato. Wala man lang abiso o warning man lang na di na pala sha gagana. Sira-sirang mga pangarap. Nung nasira talaga sha parang ayoko na gumalaw, parang gusto ko irewind yung oras at pabalikin dun sa mga oras na gumagana pa sha. Wala tuloy...pano na ko makakapagmanipulate sa ps para naman magamit ko yung deviantart account ko. Well anyways...Life oh life oohhh Life..dutdutdutdu...
Balik sa Nikon D80...
PHP 63000 ang presyo nito ngayon sa Quiapo. 80,000 sa mga malls
Grabe kelan kaya ko makakabili ng ganitong camera. Magkaron lang talaga ako nito, sobrang maiinspire talaga ko sa lahat ng bagay. Nyahaha.
Kahit nga etong mga to okey na okey na okey na okey na eh.
Canon S3is
Price: Php 18,500
features: pangarap kong camera 2
Or the Canon powershot A+++ series
Prices (Quiapo's)
A430 - 6,500
A530 - 7,800
A540 - 9,600
A630 - 14,500
A640 - 17,500
A710 - 15,000
(taken from pex thread)
Waaaaahhhh. Gusto ko ng Camera. Camera. Camera. Camera. Camera.
---------
Word(s) of the day
camera ob·scu·ra (əb-skyʊr'ə) pronunciation
n., pl. camera ob·scu·ras.
A darkened chamber in which the real image of an object is received through a small opening or lens and focused in natural color onto a facing surface rather than recorded on a film or plate.
source: answers.com
tin
We can work things out.
We can work things out.
Noypi! ikaw ba to?
11:55 AM
0 comments
0 comments
read previous entry first..para makarelate dito sa bagong entry.
Nyahaha. Katatapos lang nung pinapanood ko sa studio 23 kanina. YUng NOypi! Ikaw ba to?
Di naman talaga ko dapat manonood ng tv..pero napaupo ako sa sala.
Studio 23. Noypi! ikaw ba to? yan ang palabas hosted by gabe Mercado.
Grabe. sobrang panama sa akin ah. Tungkol sa swerte yung topic. Masyado daw kaseng fan ng swerte ang mga Pinoy at gagawin daw natin lahat maitaboy lang ang malas. Kaya nga daw dumadami ang mga negosyanteng tsinoy dito sa atin na nagbebenta ng mga lucky charms kase mahilig tayong bumili ng mga ganitong bagay.
"Ang swerte ay pinaghihirapan" quote from gabe mercado.
Tama. Pero wala namang masama kung maniniwala sa swerte, pero hindi lang dapat nagrerely sa swerte kelangan tandaan na sa lahat ng bagay kung gusto mo swertihin kelangan syempre may effort na kasama. Kelangan mo magexert ng effort para swertihin.
Cliche, 'kapag may tiyaga may nilaga'.
tin
We can work things out.
We can work things out.
Define 'Swerte'
6:53 PM
0 comments
0 comments
Bracelet to ni mommy. Di ko alam kung bakit di na nya sinusuot kaya sinuot ko na. Sabi nya pampaswerte daw yung bracelet na yun. Pero hindi ko sha sinuot dahil gusto ko swertihin sinuot ko sha dahil nakukyutan ako dun sa 'mala-Jade' na beads.
Kahapon ko unang sinuot yung 'lucky bracelet' ni mommy. Hindi ko alam pero dahil sa mga nangyari sa ken kahapon at ngayon...parang ayoko na ata hubarin ang 'lucky bracelet'.
Hindi ko alam kung may dala ngang swerte yung bracelet sa kin o sadyang ganon talaga yung mga mangyayari kahit di ko suot yung bracelet. Nung umaga, pagpasok ko sa school hindi ko pa suot yung bracelet... late ako nagising kaya late din ako sa first subject. Walang nangyari na ikinatuwa ko, kaya umuwi na agad ako sa bahay pagkatapos ng klase. 4:30 pm... pabalik na ulit ako ng school para makipagkita sa mga friends ko dahil may lakad kami ng 5. Dinala ko yung cam kahit na alam ko na may topak yun at hindi gagana pero nagbakasakali pa rin ako. Sasakay na sana ko ng tricycle pero naisip ko na magdelete muna ng files sa mem. card in case na gumana nga yung cam. Pagkatapos di ko alam kung ba't ako bumalik sa kwarto ko, hawak ko yung cam...dahil dun naisip ko na maghanap na lang ng lalagyan. Habang naghahanap ako ng lalagyan, bigla kong nakita yung bracelet. Tapos yun naisip ko suotin.
Pagkadating ko sa meeting place namin akala ko wala pa kong dadatnan dahil 4:30 pa lang at itinext ako ni quel na pinaka 'early bird' kong friend na nasa jeep pa daw sha. Pero swerte dahil may dinatnan na akon dun na friend ko, si jean. Ayun mejo may mangilan-ngilan din na batchmates ko kaya hindi ako maiinip sa pag-iintay dahil may mga kausap at kajoke time ako. Habang naghihintay dun sa iba wala akong ginawa kundi tumawa lang ng tumawa. Bihira lang yun mangyari dahil kadalasan eh tahimik yung mga yun. Pero iba talaga ang atmosphere nung mga oras na yun.
Kumpleto na kaming lahat. Mag-aalasais na. Madilim na. Minsan lang kami makaggala ng gabi. At swerte pa dahil mejo madami kami..bihira lang talaga kaming barkada makumpleto. Nagpunta kami ng walter. Tinary kong buksan yung camera kahit na ang nasaisip ko non eh hindi naman talaga sha gagana. Putek, nagulat ako, gumana ang ditaktak na cam. Hanggang pauwi ng bahay at hanggang ngayon gumagana pa din yung cam. Nakakagulat. Eh matagal ng walang gumgamit at nakatambak yung cam dahil nga sira pero walastik, hindi ko alam kung bakit ngayon eh gumagana na ulet. Ang swerte pero wierd dahil ngayon lang talaga naging ganito yung cam dahil simula nung ibinigay yun sa min iilang oras lang namin yun nagagamit tas kinabukasan sira na ulet. Pero ngayon kakaiba talaga.
proof na gumana nga yung camera kahapon
my friends... ochek, pau and pm
Ngayon di ko maipaliwanag pero ang saya ko. Suot ko ulit yung bracelet. Nakapunta ulit ako sa farm namin. Tas nagana yung camera kaya nakapagpiktyurpiktyur. Madaming nangyari na bihira lang talaga.
Kanina under maintenance ang Multiply. Naisip ko na itry kung talagang swerte nga yung bracelet... sabi ko sarili ko, itatry ko ulit iopen yung multiply account ko, kapag maayos na at di na under maintenance yung site...swerte nga talaga yung bracelet. Loading... ngek.. under maintenance pa den kaya kinlose ko na at nagbukas ng lang blog. Pero habang nagloload ang blogger naisip ko ulit itry buksan ang multiply... aba akalain mo, di na sha under maintenance.
Ngayon kapag iniisip ko pa rin yung mga nangyari, natatawa talaga ko, naeexcite tuloy ako kung anung mangyayari bukas. Nyahahahaha. Weird.
more pics here...tsokoleyts
Define by Hilera pala yung title nung narinig kong kanta na may nakakaaliw na lyrics na define...define...define. Cool.It reminds me of my exams next week.
tin
We can work things out.
We can work things out.
campaign for real beauty
10:13 PM
0 comments
0 comments
LSS of the week.
Natutuwa talaga ko sa tv commercial ngayon ng Dove..hehe...
Iba na talaga ang mga bata ngayon. Di ko akalain na yung mga ganung edad eh conscious na agad sa kanilang sarili at itsura. Samantalang ako nung bata ako, wala akong pakialam sa kahit ano bukod sa laro, kain, at laro ulet. Sa paglalaro lang ng taguan, mataya-taya, piko, batobatopiks, teks, chinese garter, jack n' stones ,langit lupa and many more umiikot ang mundo ko. Wala kong ibang alam gawin non kundi ang maglaro. Wa pakels sa itsura.
Intermission(naalala ko lang): "langit-lupa impyerno, im..im..impyerno ayun si pareng kuba mukhang palaka."
nyahaha...
nakakaloko yung bata oh.
Balik ulet sa kwento. Pero nakakatuwa rin naman isipin na may mga taong handang tumulong sa kahit ano mang paraan. Selfesteem. Kung sabagay, may point din sila. Malaking factor ang pagbibuildup nito sa pagkatao naten dahil ang perception natin sa ating sarili ang nagdadala sa atin kung nasaan tayo ngayon. Cliche, "Perceptions are reality." (Huwaw, akalain mo may natutunan pala ako sa Psych class ko last sem).
Show me a smile then,
Don't be unhappy, can't remember
When I last saw you laughing
If this world makes you crazy
And you've taken all you can bear
You call me up
Because you know I'll be there
And I'll see your true colors
Shining through
I see your true colors
And that's why I love you
So don't be afraid to let them show
Your true colors
True colors are beautiful,
Like a rainbow
let's help change their minds,
because each of us deserves to feel good about ourselves
and see how beautiful we really are.
campaignforrealbeauty .com
tin
We can work things out.
We can work things out.
ang tungkol sa katangahan ko
4:18 PM
0 comments
0 comments
Ang tanga ko. Ang tanga tanga ko.
Simula ngayon tinatanggap ko na tanga nga ako.
Scenario:
(Room 101, Pisay Bldg.)
Subject: Infotech; laboratory class
Topic: Digital Logic and Boolean Algebra
Time: 1-4 pm
Enjoy na enjoy si sir magturo (lagi naman). Kaya naman ang lahat ay enjoy din makinig. Itinuturo nya sa min ang lahat ng theorems at laws. Ayos, tingin ko naman eh naiintindihan ko yung mga itinuturo nya. Walang umeepal magtanong kaya tingin ko din naiintindihan ng lahat ng kaklase ko. Pero tingin ni sir, mukang mga haggard at inaantok daw kami at dahil dun konting intermission muna. Pinagexercise nya kami. Idenemo nya muna yung exercise na natutunan pa daw nya sa China. Shempre sinunod namin. Nakakatuwa astig ang mga moves...mala-bruce lee and dating. Pagkatapos nun balik discussion na ulet.... at dahil tinatamad na ko magkwento, punta na tayo sa climax ng istorya.
Shempre katulad ng nakagawian pagkatapos ng discussion, may exercise. Exercise in the form of a quiz. Habang isinusulat nya yung mga tanong sa board eh nagcr muna ko.
Pagbalik ko ng room, abala na ang lahat sa pagsagot. Mga nakatungo na lahat at nagmamadali sa pagsagot. Agad ko namang kinopya yung mga tanong o yung mga isosolve. Kampante ako na kaya ko sha sagutan. Isa pa open notes naman tsaka ayos lang magtanong sa katabi (kung close kayo).
Simplify the ff:
1.) (A + B)' + A + B
Tumingin ako sa notes ko, tiningnan ko yung mga examples ni sir, tinitigan ang handout. Nagsimula ng kumunot ang aking noo... tila wala akong naabsorb from the discussion. Nagsimula ng lumabo ang paningin ko, at pinagpapawisan na ko ng malamig. *lingon sa katabi* abala sha sa pagsosolve. Nagsimula na ako mataranta. Binasa ko ulit ang notes ko, tumingin sa handout. Sinubukan ko sagutan. *Lingon ulet sa katabe* Nagtatanungan si katabi 1 at katabi 2. Nagtatanong si katabe 1 kay katabe 2 kung 1 daw ba ang nakuha nyang sagot. Ayos, nagkaron ako ng konting pag-asa, tiningnan ko yung papel ko, may sagot na pala ko... 1 din ang sagot ko. Haay.
Punta na agad ako sa number 2.
2.) ((ABC)B) + (A' + B')'
At dahil magkapareho kami ng sagot ni katabe 2 sa number 1, feeling ko ang galing ko na kaya nagassume na ako na masasagutan ko din ang number 2. Halimaw. Ang gulo ng number 2. Di ko masagutan. Dahil malapit na mag-time, tumalon muna ako papunta sa number 3.
3.) (A' + B' + C' + D')' + C
Mas lalo ako naguluhan. Parami na ng parami ang nagpapasa...parami na ng parami ang umuuwi. Putek number 3 pa lang ako may dalawang number pa na kelangan pa magdrawing ng logic gates. Unti-unti ng bumabagsak ang mundo ko. Napatungo na lang ako habang pinagmamasdan ang malinis kong papel.Napapansin ko na unti-unti ng nagttransform yung classroom. Dumidilim na at lumalakas din yung pagtiktak ng relo ko. Parang gusto ko ng umiyak nung mga oras na yon.
Tumayo ako para tingnan kung ilan pa kaming mga nagsasagot. Ayos na ayos. Ako na lang pala. Yung iba eh nagpeprendster at nagegames na lang. Lima na lang pala kami dun at ako na lang ang nagsasagot. Naisip ko na lang ibig sabihin gets gets ng lahat yung lesson, ako lang pala ang kaisa-isang talunan.
Pero hindi katulad ng number 2, hindi ko iniwang blangko ang number 3..sinagutan ko pa den kahit na alam kong imposibleng maging tama yung sagot ko. Sinagutan ko na rin yung iba pang mga natitirang numero. Hula-hoops. Bahala na si Batman.
Lumabas ako ng Room 101 na punong-puno ng pag-aatubili sa sarili. Paglabas ko ng silid na yon, saya at lungkot ang naramdaman ko. Masaya dahil tapos na ang kalbaryong dulot ng quiz na yon. Pero malungkot dahil, sa susunod na meeting eh makikita ko ang result ng quiz na yun. Sa subject ko na to, bawal ang magkamali. Talunan ang hindi makaperfect. Kapag hindi perfect score ang makukuha mo, kakailanganin mo ng matinding reasoning skills at abogado para maipaliwanag sa kanya kung bakit hindi ka nakaperfect. Kahit pa isa lang o dalawa ang mali mo. Wal kang ligtas. Siguradong pupunteryahin ka nya tuwing discussion. Ayaw niya ng may hindi nakakaintindi ng mga itinuturo nya.
Ako lang ata ang hindi marunong umintindi sa klase nya. Hindi ko alam kung bakit kahit anung gawin ko eh talunan pa rin ako pagdating sa mga quizzes at exams.
Tama. Siguro nga. Tanga lang talaga ko.
Tanong: Ano bang ibig sabihin ng tanga?
Sagot: Isang sakit ng lipunan.Isang salitang matagal ng naikahon sa mga taong ayaw magkaroon ng muwang sa mga bagay-bagay, mga taong hinahayaan ang sarili na paglipasan ng panahon, mga taong ayaw paunlarin ang sarili at mga taong naghahanap ng mozzarella cheese sa sari-sari store.
Hindi ako nahihiyang sabihin o aminin na tanga ako. Handa naman kase akong baguhin yun tungo sa ikauunlad ng aking pagkatao. Cliche, the truth will set you free.
sheeessshh. ang drama. leche. It's my subconscious mind that is working as of this moment, that's why.
tin
We can work things out.
We can work things out.
fine
10:52 AM
0 comments
0 comments
Ok. Both eyes are affected. It's itching...can't scratch it, can't even touch it. What am i supposed to do. I didn't plan to be absent in school today but here I am in front of the computer writing silly things for my blog. How can't I be absent when I happen to look like Quazimodo because of this a...grrrr..soreeyes. Oh yeah it's killing me. It's killing me for the fact that I'll be missing a quiz in my IT subject and an important discussion about the History of Asia. I can't miss class. I can't be absent. But it's done, I'm already absent, I've missed the dicussion and I didn't had a chance to take the quiz. Make-ups are not allowed for quizzes so i just have to forget about it and be happy that i have just skipped a mind-boggling brain-damaging nose-bleeding quiz from my IT class. Hurrah!
But I'm crying right now. I just can't stand the tears that it's giving me.
I am so not fine today.
------------------
*word of the day*
fine - Being in a state of satisfactory health; quite well
source: answers.com
tin
We can work things out.
We can work things out.
mayhem
11:09 AM
1 comments
1 comments
soreeyes
Uso pala soreeyes ngayon. Eto ang pawelcome ng taong 2007 sa pamilya namin. Hehe... oo buong pamilya namin ngayon ay maysoreeyes. Si Papa, si Mommy, lahat ng kasama namin sa bahay. Pinagtatawanan ko silang lahat tas tinutukso ko pa kase kahit anung gawin nila hindi nila ako kayang hawaan. Oh soreeyes layuan mo ako. Hindi maaari. Hindi nila ko pwedeng hawaan dahil sandamakmak ang exam at papers ko ngayong linggo.
Pero...hindi na ko nakapalag. Nadamay pa rin ako. Ba't hinawaan nio pa rin ako. Sinabi na kaseng layuan nio ako. Sinabi na ngang hindi pede dahil santambak ang gagawin ko ngayon. Pero wala na akong nagawa dahil nagising na lang ako ngayong umaga na namamaga na yung mata ko. Bigla ko na lang nakita ang sarili ko sa harap ng salamin nakatayo, luwa ang mata. Oo, confirmed may soreeye na nga ako. Soreeye, dahil sa ngayon yung kanang mata ko palang yung meron at sana wag ng madamay pa yung kaliwa.
Pano ka ba naman hindi magkakasoreeye eh kahit sinong kausapin mo dito sa bahay eh apektado ng nakakahawang sakit na yun. Wala akong ligtas.
Ang panget pala ng itsura kapag may soreeyes ka.
Una, kung maliit ang mata mo siguradong mamamaga yan kaya hindi magpapantay ang mata mo kung maysoreeyes ka. Magiging kamukha mo ang kubang si Quazimodo.
Pangalawa, Talo mo pa ang isang drug addict na humithit ng isangdaanglibong gramo ng shabu sa pagkapula ng mata mo. Kaya wag kang pagalagala sa kalye kung ayaw mo maimbitahan sa isang pot session.
at ang Pangatlo , Hindi mawawalan ng luha ang mga mata mo, kaya aakalain ng mga tao na nakikidalamhati ka kay 'Mother Lily' kahit na 'Enteng Kabisote' naman ang pinanood mo. Tatalunin ng mga mata mo ang bahang idinulot ng bagyong Reming, kaya maghanda ka na ng tabo.
Oo. Seryoso kahit na medyo exaj yung mga sinabi ko, totoong pangit ang itsura mo kung maysoreeyes ka kaya wag mo ng balakin pang lumabas ng bahay nio. Pero kahit naman lumabas ka, sigurado din namang itataboy ka pauwi ng mga kapitbahay nio dahil ayaw nilang mahawa sa yo. At ayaw din nilang maging kamukha ni Quazimodo.
Pero kung pangit ang itsura mo kung may sore eyes ka, di hamak na mas pangit ang pakiramdam nito. Mabigat ang mga mata mo. Para kang nanuod ng click at magnifico ng isanglibong beses.Tsaka parang gusto ko na ngang imbitahin ang mga taga-Ripley's bilibitornat dahil pakiramdam ko kaya ko ng humila ng isang 10-wheeler truck gamit ang kanang mata ko. Di lang yan, parang gusto ko na ring sprayan ng off, baygon, at isopropyl alcohol ang mata ko dahil sobrang kati nito pero hindi ko naman magawa dahil ni dulo ng kuko ko hindi makalapit sa aking mata, sa takot na lalong lumalala.
Soreeyes. Soreeyes. Soreeyes. (Edit..edit.) Soreeye. Soreeye. Soreeye. Sa kung sino man na nakakabasa nito ngayon. Nawa'y swertihin ka ngayong araw na ito. Sana'y magkasoreeyes ka rin ng maramdaman mo ang hirap na dinaranas ko ngayon.
hehe. joke lang. :P
----------
*word of the day*
mayhem (mā'hĕm, mā'əm) , in common law, the crime of willfully injuring a person so as to diminish his or her capacity for self-defense.
tin
We can work things out.
We can work things out.
Breakfast at 12:30 pm
12:30 PM
0 comments
0 comments
I'm in a breakfast mood today...
At dahil puyat ako at pagod ang mata ko dahil hanggang alas tres ng umaga ako nakababad sa computer... eh mga alas onse na ng tanghali ako nagising. Pinilit ko lang talaga bumangon dahil balik 'eskwela mode' ulit ako ngayon. May pasok nanaman.
Anyway, kahit tanghali na ko nagising eh wala sa mood ang panlasa ko para kumain ng kanin at ulam. TINAPAY! ang isinisigaw ng tyan ko. at dahil jan eh naisipan ko maghanap ng mga tira-tira sa ref. (Masarap magluto kapag kakatapos lang ng bagong taon dahil maraming tira-tirang pagkain sa ref na pwede mo irecycle.) Nakakita ko ng condensed milk, tasty bread, bacon tas nangupit na lang ako ng itlog sa tindahan namen...ayun french toast ang kinlabasan tas inilabas ko yung natirang sos ng carbonara ginawa kong sos ng french toast.Hmmm.. Saraap...tas samahan mo pa ng pear tsaka bacon. Saraaap talaga. Syempre di pedeng mawala ang super peyborit ko na soya milk. Note: (Di ko alam kung sino may-ari nung soya milk sa ref..tingin ko kay kuya...di pa ko nakakabili eh, la ko pera.)
wala lang, trip ko lang kumuha ng litrato ngayon..dahil malapit na malowbat yung cam.
at yan ang iba't-ibang angle ng french toast...
(pasensya na pangarap ko talaga maging litratista eh.)
tin
We can work things out.
We can work things out.
2007: Year of the Red Fire Pig
3:54 PM
0 comments
0 comments
Year of the Pig pala ngayon. Year of the Red Fire Pig. Sa February 4 2007 (Chinese New Year) pa talaga magsisimula ang Year of the Red Fire Pig, pero dahil excited tayo eh nagsimula na yung sa aten, wala naman tayo magagawa dahil Chinese ang nagpauso ng mga Year of the (insert animal here) na yan.
tin:Magiging maswerte ba ako ngayong 2007?
Lin Go: Sabi sa Chinese Astrology the Year of Red Fire Pig 2007 is the beginning year of the Water cycle. Kaya ikaw swerte kun ang lucky element mo ay water.
Basically, Pig contains Water and Wood. Red is related Fire. In short, people will have better luck in 2007, if their Lucky Element is Water, Wood or Fire. Ang hindi ko lang aram eh kun pano mo mararaman kung anung lucky element mo.
tin: Sa pagkakaalam koeh year of the snake ako ipinanganak...ano bang kahihinatnan ko ngayong taon na to?
Lin Go: Ah, Snake? Ikaw year of the snake para ipinanganak. Well, sorry ka na lang, you're not invited to the pig's table. This year is a time of quiet for the snake to lie coiled and waiting for the rat year that will bring a new wave of good fortune.The snake should enjoy home, food and limited travel while planning for the much better prospects coming when the opposing pig sign is no longer dominant. Ikaw intay sunod na taon, yun ang taon na para sa yo. Ikaw swerte year of the rat.
tin:Ah ganun po ba. salamat..sa totoo naman talaga eh wala kong hilig jan sa horoscope na yan.
wala lang imbento files ko lang yan..wala ko magawa ngaun eh...
pero yung iba galing dito: fortuneangel
tin
We can work things out.
We can work things out.
Konnichiwa 2007!
2:44 PM
0 comments
0 comments
We celebrated new year with a blast!
Blast talaga, dahil first time namin magcelebrate ng new year na walang kuryente. Ayos talaga. Ready na lahat. Katulad ng nakagawian, bukas ang gate namin, may mga monoblocs na sa labas at nasa labas na kaming lahat para magcountdown. Countdown na kami, 5....4..3..2... boom. Brownout. Ayos na ayos saktong alas dose nawalan ng kuryente. Siguro naisip ng meralco na mas maaapreciate namin yung mga fireworks display kapag walang ilaw na nakabukas. Wala kase kaming ginawa kundi laiten yung mga fireworks nung mga kapitbahay namin, eh kami nga hanggang loses lang (lilimam piraso pa), not to mention, nagtinda kami ng paputok ngayong taon. Si ate kase binenta lahat. Mas matinde daw kase ang pangangailangan ng ibang tao sa paputok kesa sa min dahil marami naman kaming kapitbahay na laging nandyan para papanoorin kami ng liveshow ng maraming paputok. Di ko alam kung dito lang sa min pero sa dito kase sa min status symbol ang fireworks. Kung kaninong bahay may nakitaang pinakamagandang fireworks display, sikat sila.
Dahil brownout, naging candlelight dinner tuloy ang aming medya noche. sosyal. Buti na lang at may night mode yung digicam kaya kahit papano nakuhanan ko pa ng picture yung mga pagkain. Sa tingin ko kung ikukumpara nung mga naklipas na taon, ngayong medyanoche2007 yung pinakamaraming handa pero kala ko talga wala kaming handa dahil hindi naman naging ganun kaganda ang taong 2006 namin eh..in other words, taghirap. Pero kahit naman walang-wala, wala pa yata akong kilalang pinoy na hindi nagcecelebrate ng magarbo at hindi naghahanda ng marami, at hindi nagpapaputok, at hindi naglalagay ng 12 fruits na bilog sa lamesa at hindi tumatalon para tumangkad tuwing bagong taon. Iba talaga tayong mga pilipino eh, yan ang mga nakagawian natin...gagawa at gagawa tayo ng paraan para makapagcelebrate ng new year.
tin
We can work things out.
We can work things out.
0 comments